^

Metro

IAS tiniyak ang tulong sa NAPOLCOM investigation

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sa pulis na suspek sa pagpatay sa jeepney driver

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (IAS) na handa silang makipagtulugan sa National Police Commission (Napolcom) at bukas sila sa imbestigasyon laban sa isang police non commissioned officer (PNCO) na nakatalaga sa Regional Internal Affairs Service–National Capital Region (RIAS-NCR) na itinuturong utak sa pagpatay sa isang jeepney driver sa Muntinlupa City.

Ayon sa IAS, agad na dinisarmahan at isinailalim sa restrictive custody ang pulis matapos makumpirma ang kanyang pagkakasangkot sa insidente at hindi rin bibigyan ng special treatment bagama’t nakatalaga ito sa IAS. Sa katunayan, handa ang IAS na isumite sa Napolcom ang lahat ng ebidensya at dokumentong nakalap sa sarili nilang imbestigasyon.

Ayon kay IAS Inspector General Brigido Dulay, walang sinumang pulis ang nakahihigit sa batas, kabilang ang mga tauhan ng IAS. Aniya, pananagutin ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas at hindi po­protektahan ng ahensiya ang sinumang nagkasala.

Bukod dito, magsasagawa rin ang IAS ng internal review sa kanilang personnel screening at monitoring protocols upang mapalakas ang pagtukoy at pagtugon sa mga posibleng paglabag ng kanilang mga tauhan, kasabay ng panawagan sa publiko na hayaang umusad ang legal at administratibong proseso.

Samantala, naghain na rin ng kasong administratibo sa Napolcom ang asawa ng biktima.

MUNTINLUPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with