^

Police Metro

Mag-asawa at anak nakuryente, patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong mi­yembro ng isang pamilya makaraang makur­yente naganap sa Brgy. Luis, Solano, Nueva Vizcaya, kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Alfredo Costales Jr., 36; misis nito at kanilang anak na lalaki na Grade 5.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa loob ng banyo ng pamilya Costales sa nasabing lugar.

Sa pahayag ng kapatid na lalaki ng padre de pamilya, nagulantang na lamang siya ng bumisita sa tahanan ng mga biktima nang walang sumasagot.

Nang puntahan niya ang likod ng bahay kung saan naroon ang banyo ay laking pagkabigla niya nang makitang magkakapatong ang mga biktima na pawang wala ng buhay.

Sa teorya,posible umanong nagsampay ng basang damit ang kaniyang kapatid sa alambre matapos itong maligo ng ito ay makuryente na sinaklolohan naman ng misis nito at anak na lalaki kaya pare-pareho silang nakur­yente.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with