^

Police Metro

Ex-American professor dinedo sa harap ng misis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang dating Amerikanong professor nang barilin sa ulo sa harap ng kanyang misis ng tatlong lalaki na pumasok sa kanilang bahay sa Brgy. Ajong, Sibulan, Negros Oriental, kamakalawa.

Sa report ng Negros Oriental Police, hindi na pinangalanan ang biktima na dating professor ng Siliman State University sa Dumaguete City.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang nanonood ng telebisyon ang biktima at ang misis nito nang pasukin sila ng tatlong lalaki at walang kaabog-abog na binaril ng mga ito ang biktima sa ulo.

Namatay noon din ang biktima habang ang misis nito ay hindi naman sinaktan na na-trauma sa nasaksihan. Ang mga suspect ay mabilis na nagsitakas matapos ang krimen.

Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Negros Oriental Police upang imbestigahan ang insidente at matukoy ang motibo ng krimen.

Patuloy na sumisigaw ng hustisya ang naulilang pamilya ng biktima. -

 

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with