Bagyong Inday, lumabas na ng PAR
MANILA, Philippines — Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Inday alas-8:20 ng umaga nitong Sabado batay sa ulat ng Pagasa.
Sa latest update ng Pagasa, alas-10 ng umaga nitong Sabado, si Inday ay huling namataan sa layong 590 kilometro ng hilaga hilagang silangan ng Itbayat, Batanes o nasa labas na ng bansa habang kumikilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras at may lakas ng hangin na umaabot sa 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 170 kilometro bawat oras.
Patuloy ang pagkilos ni Inday pahilagang kanluran papuntang East China sea at nag-landfall sa silagan ng dalampasigan ng mainland China kahapon ng gabi July 11 at Linggo ng umaga July 12.
Si Inday ay nananatiling nasa typhoon category sa susunod na 12 oras hanggang sa mainland China.
- Latest






















