^

Probinsiya

2 bagitong pulis todas sa ambush!

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 bagitong pulis todas sa ambush!
Nadatnan ng mga pulis ang dalawang kabaro na sina Patrolman Apollo Pagurayan at Patrolman Joerel Bullos na nakabulagta sa kalsada makaraang tambangan at pagbabarilin ng M16 rifle ng armadong grupo sa Brgy. Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat nitong Martes ng gabi. Si Pagurayan ay dead-on-the-spot sa ambush habang si Bullos (inset) ay dead-on-arrival sa ospital.
John Unson

MANILA, Philippines — Dalawang bagitong pulis ang patay makaraang paulanan ng bala ng armadong grupo sa naganap na pananambang sa Brgy. Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat noong Martes ng gabi.

Sa report ni P/Brig. Gen. Alan Manibog, director ng Police Regional Office (PRO) 12 (SOCCSKARGEN), kinilala ang mga nasawi na sina Patrolman Apollo Morante Pagurayan at Patrolman Joerel Basilan Bullos, pawang nakatalaga sa 1202nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion (RMFB).

Base sa imbestigasyon, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang pulis na pawang naka-combat fatigue uniform nang harangin ng mga kalalakihan na nakapuwesto sa gilid ng kalsada na mga armado ng M16 assualt rifles at paulanan ng bala pagsapit sa nasabing lugar noong Martes ng gabi.

Ayon sa PRO-12, mabilis na nagresponde sa lugar ang mga operatiba, pero hindi na inabutan ang mga salarin na mabilis na nagsitakas at naabu­tang dead-on-the spot si Pagurayan habang mabilis na dinala sa ospital si Bullos, pero idineklarang dead-on-arrival dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober ng mga operatiba ng Lambayong Police sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 rifle na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

Kinondena ng PRO-12 ang pamamaslang sa dalawang parak at nangakong bibigyan sila ng hustisya.

Patuloy ang masu­sing imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen.

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with