2 eroplano wasak sa banggaan sa NAIA
MANILA, Philippines — Wasak ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) at Saudia Airlines matapos magbanggaan sa taxiway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong gabi ng Hulyo 7.
Ayon sa New NAIA Infra Corp. (NNIC), bandang 11:38 ng gabi nang bumangga ang Saudia Flight SV871, isang Boeing 787 na patungong Jeddah, sa buntot ng nakaparadang PAL Airbus A320 habang papunta sa runway. Nasira ang vertical stabilizer ng PAL aircraft at ang wingtip ng Saudia plane.
Kinumpirma ng PAL na walang sakay na pasahero o tripulante ang kanilang eroplano nang mangyari ang insidente. Ligtas namang naibaba ang lahat ng pasahero ng Saudia, ngunit kinansela ang Flight SV871.
Kaagad na isinailalim sa inspeksyon ang lugar at inalis sa operasyon ang dalawang eroplano para sa teknikal na pagsusuri.
- Latest






















