Michelle walang panahon sa 'fake news!’

Noong Enero ay nasangkot sa isang kontrobersiya sina Michelle Dee, Samantha Panlilio, at Rhian Ramos. Matatandaang isang lalaki na nagpakilalang driver at personal assistant ni Rhian ang nagsampa ng reklamo laban magkakaibigan at sa mga bodyguard ni Michelle.
Ayon sa lalaki ay ay ikinulong siya diumano sa isang kwarto at binugbog dahil naakusahan nang pagnanakaw ng isang angpao na naglalaman ng pribadong mga larawan. Nagsampa naman ng reklamong perjury si Michelle noon laban sa lalaking nagpakilala sa alyas na ‘Totoy.’ Pagkalipas ng ilang buwan ay maayos naman daw ang kalagayan ni Michelle sa gitna ng mga pangyayari. “I’m okay, Tito Boy. I’m very well. Especially kasi January pa ‘yon nangyari. I’m really focused on the things that I’m working on. Pero nobody wants to be put in that spot, to be under national spotlight, scrutiny, accusations, especially without fact checking,” nakangiting pahayag sa amin ni Michelle sa Fast Talk with Boy Abunda.
Para sa beauty queen-actress ay naging mapanuri na rin ang mga tao ngayon at hindi na basta naniniwala sa lahat ng mga nababasa at nakikita sa internet o sa kapaligiran. Lubos ang pasasalamat ni Michelle sa mga indibidwal na masusing inaaral muna ang mga pangyayari bago pa man manghusga sa tao o maniwala sa isyu. “I guess, I’m also lucky na matalino na ‘yung mga tao ngayon. Matalino silang manghusga. They can connect the dots. They can check facts. They can discern. And we’ve always said this, the truth is going to come out. And it has been coming out. And you can see it’s a general opinion naman po talaga,” makahulugang paglalahad ng dalaga.
Hindi raw naapektuhan ang pagiging magkakaibigan nina Michelle, Samantha, at Rhian kahit na naugnay sakontrobersyal na isyu. “Hindi naman po naapektuhan. We’re still very, very close. And we’d like to keep it that way,” giit ng beauty queen-actress.
Samantala, nagsampa rin si Michelle ng kaso laban sa ilang social media accounts at indibidwal na nagpakalat umanong mapanirang ulat o fake news. Para sa dalaga ay hindi dapat hinahayaan ang ganitong aksyon ng ilan upang siraan ang isang pagkatao. Umaasa si Michelle na palaging dapat na manaig ang katotohanan sa bawat usapin. “I mean honestly, Tito Boy, kasi fake news is such a problem nowadays. And it’s also easy to come out with a story without even fact-checking. And I think people should stay accountable. Hindi naman porke’t source ka, it means na totoo. And a lot of people are victim to that. Like I just hope the truth comes out in that regard. And I definitely don’t agree na dapat binibigyan pa ng panahon ang mga fake news,” paliwanag niya. — Reports from JCC
- Latest

























