^

PM Sports

Pangulong Marcos, Pacquiao binati si Eala

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ramdam hanggang sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo ang tagumpay at kasaysayan na inukit ni Filipina tennis star Alex Eala sa Wimbledon, na isa sa pinaka-prestihiyosong tennis Grand Slam sa All England Lawn Tennis and Croquet Club sa London.

Sinibak lang naman ni Eala sa trono ang reigning champion na si Iga Swiatek, 7-6 (11-9), 6-2, upang maging kauna-unahang Pilipinong manlalaro anumang kasarian na nakasampa sa Round of 16 ng major grass championships.

At isa na sa napabilib ng 21-anyos na Pinay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahit pa nasa Canada ito para sa opisyal na lakad.

“Napanood n’yo ba si Alex kanina?,” ani Marcos Jr. na nakataas ang kamay matapos ibahagi ang panalo ni Eala sa Malaca?ng reporters sa Vancouver.

“Marami pang ibubuga ang bata natin. Congratulations, Alex. Keep it up. The whole Filipino nation is cheering you on. We know that you are fighting to make us proud, [to] bring luster and honor to the Philippines. Keep going. We’re all behind you.”

Binati rin ni 8-division world boxing champion at Hall of Famer na si Manny Pacquiao, isa sa inspirasyon ni Eala bilang national sports hero, ang Pinay tennister.

Sa mundo ng musika at sining, isa ang Tony awardee, OPM legend at Broadway theater icon na si Lea Salonga sa daan-daang artista na ipinaabot ang kanilang pagmamalaki at pagbati kay Eala.

Subalit hindi lang local personalities ang humanga kay Eala, na ilang kasaysayan na ang naukit bago pa man ilaglag si Swiatek, na world No. 3 at 6-time Grand Slam champion din.

“A star,” ani 5-time Grand Slam champion at dating world No. 1 na si Maria Sharapova ng Russia.

“Alex is such an inspiration for kids in the Philippines and all over the world. Keep going for it Alex,” dagdag naman ni Billie Jean King ng USA, isa greatest players of all time bitbit ang 39 Grand Slam titles at dati ring world No. 1.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with