LTFRB: ‘Wag mag-vlog kung nagmamaneho

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver na huwag mag-vlog o gumawa ng anumang social media content habang nagmamaneho ng mga public utility vehicles (PUVs).
Ito ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza ay dahil ang pagba-vlog habang nagmamaneho ay labag sa isinasaad ng Republic Act No. 10913, o “Anti-Distracted Driving Act” na nagbibigay proteksyon sa publiko mula sa aksidente dulot ng paggamit ng mobile communications devices at electronic entertainment at computing devices habang nagmamaneho.
Ginawa ni Mendoza ang pahayag bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na mahigpit na ipatupad ang rules and regulations sa road safety.
Inilabas ng LTFRB ang kautusan matapos mapansin ang pagdami ng mga vloggers at content creators habang nagmamaneho ng PUVs.
Ang mga lalabag sa naturang batas ay papatawan ng P5,000 multa.
- Latest




















