LeBron isusunod ng 76ers matapos si Brown

PHILADELPHIA - Isang araw matapos makuha si superstar wing Jaylen Brown ay target naman ng 76ers na mahugot si unrestricted free agent LeBron James.
Bukod sa Philadelphia ay nagpahayag na rin ng interes sa four-time NBA champion guard ang Golden State Warriors, Cleveland Cavaliers at Miami Heat.
Nauna nang tinapos ng 41-anyos na si James ang kanyang walong taong paglalaro para sa Los Angeles Lakers.
At itutuloy niya ang kanyang NBA record na ika-24 season sa bago o dating koponan.
Dalawang beses tinulungan ni James ang Heat ni Fil-American coach Erik Spoelstra na makopo ang NBA crown kasama sina Dwyane Wade at Chris Bosh.
Napasakamay ng Miami si star forward Giannis Antetokounmpo sa isang trade sa Milwaukee Bucks.
Kamakalawa ay nakuha ng 76ers ang 29-anyos na si Brown kapalit ni veteran wing Paul George, dalawang first-round picks (2028, 2031) at dalawang second-round picks (2028, 2030).
“Saying goodbye isn’t easy when you’ve invested your heart into something,” ani Brown na kumamada ng mga averages na 28.7 points, 6.9 rebounds at 5.1 assists sa 71 games ng Celtics sa nakaraang season na pinagharian ng New York Knicks laban sa San Antonio Spurs.
Nahugot din ng Philadelphia si free agent scoring guard Anfernee Simons.
- Latest
















