Babaeng guro binaril sa ulo, dedo
MANILA, Philippines — Agad nasawi ang isang babaeng guro sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nang malapitang barilin sa ulo habang nakatayo sa gilid ng kalsada ng hindi pa nakikilalang suspect nitong Huwebes ng gabi.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Evangeline Pantorilla Abdullah, guro sa isang paaralan sa Cotabato City.
Ayon kay Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, naganap ang insidente sa gilid ng highway sa Sitio Kurbada sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nakatayo ang biktima sa naturang lugar nang dumating ang suspek at malapitan na binaril sa ulo ang una.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na may pinaslang na guro sa lugar na ang una ay naganap noong Hunyo 27, 2026 nang mapatay sa ambush ang public school teacher na si Hapipa Saripada Macadato sa Barangay Lamin sa Malabang sa Lanao del Sur.
- Latest















