2 estudyante natagpuang patay sa dorm

MANILA, Philippines — Natagpuang kapwa wala nang buhay ang dalawa umanong estudyante, isa rito ay babae sa loob ng isang dormitory sa Maynila, nitong Biyernes ng umaga.
Sa ulat ni PMSg Roderick Magpale ng Manila Police District Homicide Division, alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima na nakilalang sina alyas “Mark”, 21, at “Allieyah”, 21, sa Unit 4-6 ng isang dormitory sa Sampaloc, Maynila.
Batay sa imbestigasyon, natagpuang nakabigti ng kadena ang lalaki sa kisame, habang ang babae ay nakakumot na nakahiga sa kama.
Natuklasan lamang ang insidente nang dumalaw ang ama ni Allieyah sa dormitory nito.
Ayon sa ama, halos ilang minuto na siyang kumakatok, pero walang nagbubukas kaya sumilip ito sa bintana at laking gulat nila nang makita ang lalaki na nakabigti sa kisame sa loob ng dormitory.
Agad ipinagbigay alam ng ama ni Allieyah ang insidente sa caretaker na agad namang binuksan ang pinto gamit ang duplicate na susi at doon ay tumambad din ang anak niyang babae na wala na ring buhay na nakahiga sa kama.
Patuloy pa ang imbestigayon ng mga awtoridad sa insidente.
- Latest

















