^

Metro

Grade 8 student sinaksak ng 5 sa labas ng iskul

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Grade 8 student sinaksak ng 5 sa labas ng iskul
Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang biktimang si alyas “JEMG”, sa Las Piñas District Hospital na kinaila­ngan umanong operahan at lagyan ng tubo (intubation), ayon sa attending surgeon na si Dr. Jomari Chan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa ospital ang isang Grade 8 student na pinagsasaksak sa likod, leeg, at collarbone ng apat sa limang kabataan sa labas ng Las Piñas National High School, sa Las Piñas City, Huwebes ng gabi.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang biktimang si alyas “JEMG”, sa Las Piñas District Hospital na kinaila­ngan umanong operahan at lagyan ng tubo (intubation), ayon sa attending surgeon na si Dr. Jomari Chan.

Arestado naman ang mga suspek na pawang Children in Conflict with the Law (CICL) na sina “JMCC”, 17, ALS student; “NBR”,15, out-of-school youth (OSY); “CJDT”, 16, ng Don Galo National High School, 16; at “RMAT”, 15, OSY. Tinutugis naman ang isang suspek na si alyas “JMR, 16, OSY.

Batay sa imbestigasyon na isinumite kay PCol. Fermin Armendarez III, kasama ng biktima ang kapatid na si “JMG”, 15 at mga kaibigan na sina “AE”, 15, at “NCB”, 17, pawang estudyante ng Las Piñas National High School  sa uwian at nagpasiya na bibili ng chocolate juice nang madaanan ang mga suspek.

Nilapitan, kinursunada at binato ng ilang piraso ng hollow blocks habang umiiwas ang grupo ng biktima. Hinabol sila at ang apat na suspek ay pawang armado ng patalim ay sinaksak ang biktima habang nakatalikod, at may sumaksak din sa leeg, at collarbone, habang isa pang kasama ng biktima ang nakaiwas sa saksak ni JMCC.

Sa follow-up operations, naaresto ang mga suspek na nakatakdang ipagharap ng reklamong attempted murder.

CHAN

SAKSAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with