Caretaker naipit sa elevator, patay!

MANILA, Philippines — Patay ang isang caretaker nang maipit ng elevator shaft sa binabantayang gusali sa Tondo, Manila kamakalawa.
Batay sa ulat ng Raxabago Police Station 1 (PS-1) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-9:00 ng umaga kamakalawa nang madiskubre ang pagkamatay ng biktimang si alyas “John”, 25, residente ng 4-storey building sa 2501 Rodriguez corner Nepa St. sa Tondo.
Ayon sa pulisya, natagpuan ang biktima sa maintenance room na katabi ng elevator.
Lumilitaw na may iniinspeksiyon ang biktima sa lugar kaya’t nakadungaw ngunit biglang bumagsak ang elevator at minalas na maipit.
Nabatid sa kapatid ng biktima na naghahanda na sana ito para magtrabaho sa ibang bansa.
Sa salaysay naman ng isang testigo, napag-utusan siyang hanapin ang biktima at pagdating sa gusali ay nakita niyang ang 4th floor na nagkokonekta sa 5th floor ay sarado na sa loob.
Nang tingnan ang maintenance room ay rito na nadiskubre ang bangkay na nakaipit sa elevator shaft machinery, kaya’t kaagad na inireport sa may-ari ng gusali at sa mga awtoridad.
- Latest




















