^

Probinsiya

Konsehal sa Pangasinan dedo sa road mishap .

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAYAMBANG, Nueva Vizcaya , Philippines — Patay ang isang municipal councilor sa lalawigan ng Pangasinan matapos na masangkot sa aksidente sa San Carlos City nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasa­wing biktima na si Bayambang Councilor Jan Nazer David “Boying Kulas” Junio.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang vehicular accident sa provincial road ng Barangay Turac.

Nabatid na minamaneho ni Junio ang isang Toyota Avanza nang bumangga ito at matinding napinsala na ikinasugat ng una sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Unang isinugod si Junio sa Pa­ngasinan Provincial Hospital bago siya inilipat sa Region 1 Medical Center, kung saan siya idineklarang patay habang nilalapatan ng lunas.

Inihayag naman ng mga mga lokal na opisyal na isang malaking kalawan sa kanilang bayan ang pagkasawi ni Junio dahil sa kanyang dedikasyon bilang Presiding Officer Pro Tempore ng Sangguniang Bayan at nagsilbi ring chairman ng Committee on Education.

DAVID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with