Grade 10 dedo, 1 pa sugatan sa kidlat
MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masaya sanang pagpi-piknik ang dalawang magkaibigan nang masawi ang isa makaraang masapol ng kidlat sa sa Barangay Daanlungsod, Tuburan, Cebu nitong Huwebes ng hapon.
Sa ulat ng pulisya, dead-on-arrival sa pagamutan ang 16-anyos na Grade 10 student nang mapurahan sa tama ng kidlat habang nasugatan din sa insidente ang kaibigan nitong 14-anyos habang sila ay masayang nagpi-picnic sa naturang lugar.
Sa imbestigasyon, sinabi ni Maj. Joffre Grande, hepe ng Tuburan Police Station na biglang tinamaan ng kidlat ang dalawa habang kumakain.
Ligtas naman at patuloy na ginagamot sa ospital ang 14-anyos na nagtamo ng mga sugat sa katawan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang naganap na insidente.
Dahil sa insidente, pinaalalahanan ng pulisya ang mga residente sa lugar na mag-ingat kung pupunta ng tabing dagat kapag may thunderstorm.
- Latest
















