^

Probinsiya

Bagitong parak tumba sa tandem

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Bagitong parak tumba sa tandem
Kinilala ang nasawing biktima na si P/Patrolman Armejo Jornadal, miyembro ng 2nd Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company.
Google Maps

Ni-loan na pera tinangay

MANILA, Philippines — Patay ang isang bagitong parak matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong riding-in-tandem sa kahabaan ng highway ng Brgy. Tickwas, Dumalinao, Zamboanga del Sur noong Miyerkules.

Kinilala ang nasawing biktima na si P/Patrolman Armejo Jornadal, miyembro ng 2nd Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang mina-maneho ni Jornadal ang kaniyang motorsiklo sa nasabing lugar nang sundan at pagbabarilin ng mga salarin na riding-in-tandem sa isa ring motorsiklo. 

Ang biktima ay humagis sa motorsiklo sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang agarang kumitil sa buhay nito.

Nabatid na ang biktima ay may dalang pera na ni-loan nito na pinaniniwalaang natunugan ng mga salarin.

Samantalang mabilis namang tumakas ang mga suspect tangay ang pera ng nasabing bagitong parak patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa kasong ito upang masakote ang mga salarin at mabigyang hustisya ang sinapit ng biktima.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with