^

Punto Mo

Himala: Kapatid gumaling sa sakit (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG naglalakad ako patungo sa restaurant ay nagdarasal ako. Hiniling ko sa Diyos na pautangin ako ng aking mga amo ng P3,500 para ma­idaan sa 2D echo procedure ang kapatid kong si Victor. Ang aking mga amo na lamang ang tanging mahihingian ko ng tulong sa oras na iyon. Wala nang iba pang malalapitan. Hi­ningi ko ang tulong ng Mahal na Birhen.

Walang tigil ang pagdarasal ko hanggang sa makarating ako sa restaurant. Nilapitan ko ang aking among babae na noon ay kumukuha ng order ng mga customer.

Nang matapos kunin ang order ng customer, kinausap ko ang aking amo.

“Ate Luz, uutang po sana ako ng P3,500 para sa isasagawang test sa kapatid ko. Pasensiya ka na Ate. Ikaw lamang ang mahihingian ko ng tulong.”
Hindi agad nakapagsalita ang amo ko.

“Hintayin mo ako at kukunin ko lang ang order ng customer,” sabi ni Ate Luz.

“Salamat po.”

Naghintay ako sa sulok ng restaurant.

Maya-maya, nilapitan ni Ate si Kuya Joe (asawa nito) na nasa kaha. Kinausap. Kumuha ng pera sa kaha si Kuya Joe at iniabot kay Ate Luz.

Lumapit si Ate Luz sa akin.

“Eto ang P3,500,” sabi ni Ate.

“Salamat po.”

“Sige,      ipa-test mo na ang kapatid mo,” sabi nito.
Nagmamadali akong umalis. (Itutuloy)

MIRACLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with