Ika-2 gold nilundag ni Obiena sa Austria

MANILA, Philippines — Hindi maawat si Asian record holder EJ Obiena nang muli itong bumanat ng panibagong gintong medalya sa Eisenstadt, Austria.
Nairehirtso ni Obiena ang impresibong 5.75m sa kanyang ikatlong attempt para masiguro ang gintong medalya.
Nagawa ring burahin ni Obiena ang tournament record.
Hindi alintana ni Obiena ang pabago-bagong ihip ng hangin para makuha ang kanyang ikalawang ginto sa outdoor season.
“Wind: Sometimes maybe good, sometimes maybe,” ani Obiena sa kanyang post sa social media.
Nagpasalamat din si Obiena sa mainit na pagtanggap ng mga organizers sa kanya.
“5.75m here at Eisenstadt, for the win and new stadium record. After many many many runs and 3rd attempt makes, we needed to call it a night after 11pm. Thank you very much for having me,” ani Obiena.
Nauna nang nakahirit ng gintong medalya ang Asian Games gold medalist sa Czeslaw Cybulski Memorial na ginanap sa Poznan, Poland kamakailan.
Nagtala si Obiena ng 5.72 metro sa naturang torneo upang igupo sina silver medalist Owen Heard ng Great Britain at bronze medalist Matteo Oliveri ng Italy.
Sunod na sasabak si Obiena sa Greece.
- Latest

















