^

Metro

Pamamaril sa Bagong Silangan High School fake news - QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Que­zon City Police District (QCPD) ang kumalat na ulat sa social media hinggil sa umano’y school shooting­ sa Bagong Sila­ngan High School sa Brgy. Payatas, Que­zon City kasabay ng paglilinaw na walang naganap na insidente ng pamamaril at ligtas ang sitwasyon sa loob ng paaralan.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Randy Glenn Silvio, bandang alas-9:00 ng umaga nitong Huwebes nang makarinig ng malakas na ingay­ ang mga estud­yante at guro. Sa mga oras ding iyon, nagsasagawa ng nakatakdang pagpupulong sa pamunuan ng paaralan ang mga tauhan ng Paya­tas-Bagong Silangan Police Station (PS 13) sa pangunguna ni PLt. Col. Rowena Amata, kaya agad nilang sinuri ang pinagmulan ng ingay.

Sa isinagawang beripikasyon, natukoy ng mga pulis na ang malakas na tunog ay nagmula sa isang construction site na malapit sa paaralan. Napagkamalan lamang itong putok ng baril ng ilang estudyante at iba pang nakarinig ng ingay, dahilan upang kumalat ang maling impormasyon sa social media.

Matapos ang masu­sing pagsusuri, idineklara ng QCPD na ligtas ang lugar at walang naitalang­ nasugatan o anumang hindi kanais-nais na insidente. Agad ding ipinagpatuloy ang normal na klase at iba pang aktibidad sa Bagong Sila­ngan High School.

Kasunod nito, muling nagpaalala ang QCPD sa publiko na maging responsable sa paggamit ng social media at iwasang magbahagi ng hindi beripikadong impormasyon na maa­aring magdulot ng takot at kalituhan sa komunidad.

SHOOTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with