^

Probinsiya

Obrero tiklo sa 3 ilegal na baril at droga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Obrero tiklo sa 3 ilegal na baril at droga
Naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “Nestor,” 57 taong gulang at residente ng nasabing barangay, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 at Section 11 ng Republic Act No. 9165.
SHOX ART via Pexels

CAMP NAKAR, LUCENA CITY, Philippines — Matagumpay na ipinatupad ng mga tauhan ng Guina­yangan Municipal Police Station (MPS) ang Search Warrant Operation sa Brgy. Ligpit Bantayan, Guinayangan, Quezon, na nagresulta sa pagkakadakip sa isang obrero na nakum­piskahan ng tatlong ile­gal na baril at droga kamakalawa.

Naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “Nestor,” 57 taong gulang at residente ng nasabing barangay, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591 at Section 11 ng Republic Act No. 9165.

Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, ang operasyon ay isinagawa bandang alas-6:19 ng umaga sa bisa ng Search Warrant na inilabas ng RTC Branch 63, Calauag, Quezon.

Narekober mula sa suspek ang isang improvised caliber .22 rifle, isang caliber .22 revolver, isang caliber­ .38 revolver, mga bala, at labing-siyam na heat-sealed transpa­rent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1.5 gramo at may Standard Drug Price na P10,200.00.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Guinayangan MPS habang inihahanda ang kaukulang kaso para sa paglabag sa RA 10591 at RA 9165.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with