^

Probinsiya

3 ‘killer’ ng ex-Vice Mayor at anak natimbog!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 ‘killer’ ng ex-Vice Mayor at anak natimbog!
Sa report ni PRO 8 Director P/Brig. Gen. Jason Capoy, ang mga suspect na pawang residente ng Basey, Samar ay natukoy na nasa likod ng pagdukot at pagpatay kina dating Abuyog, Leyte Vice Mayor James Bohol, 60-anyos, negosyante at anak nitong si Carlou James alyas “Jimbo” Bohol, 28-anyos.
PRO 8

MANILA, Philippines — Matagumpay na natimbog ng mga operatiba ng Police Regional Office (PRO) 8 katuwang ang PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong umano’y res­ponsible sa pagdukot at pagpatay sa dating bise alkalde ng Abuyog, Leyte at anak nitong lalaki sa follow-up operations sa lungsod ng Pasay nitong Martes ng gabi, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ni PRO 8 Director P/Brig. Gen. Jason Capoy, ang mga suspect na pawang residente ng Basey, Samar ay natukoy na nasa likod ng pagdukot at pagpatay kina dating Abuyog, Leyte Vice Mayor James Bohol, 60-anyos, negosyante at anak nitong si Carlou James alyas “Jimbo” Bohol, 28-anyos.

Ang mag-amang Bohol ay dinukot ng mga suspect sa bodega ng dating bise alkalde sa Brgy. Sta Cruz, Mayorga, Leyte noong Hunyo 27 dakong ala-1 ng hapon.

Lumilitaw sa imbestigasyon na humihingi ang isa sa mga suspect na si alyas “Mak” ng eks­tensyon sa bayad na tseke ni Jimbo, bagay na tinanggihan ng huli.

Ang mag-ama ay tinutukan ng baril at dinala ng mga suspek sa bayan ng Silago kung saan nakipagtalo si Jimbo sa mga suspek na nauwi sa pamamaslang sa mag-ama.

Ang mag-amang Bohol ay natagpuang bangkay na nakagapos ang mga kamay ng alambre at nakabusal ang mga bibig at itinapon ng mga kidnaper sa bangin sa Brgy. Imelda, Silago, Leyte ­nitong Martes ng umaga.

Sinabi ni Capoy na natunton ang mga suspect sa monitoring ng kanilang mga intelligence operatives sa ginamit nilang get away vehicle na Mitsubishi GLX Mirage (GBA-6637) na inabandona sa Brgy, Tingib, Basey pero bigong matunton ang mga suspect sa lugar. Ang mga suspect ay namataan pang sumakay ng barko sa Sta. Clara Port sa Allen, Samar alas-4:45 ng hapon noong ­Hunyo 28 pero hindi kasama ang mag-ama.

Ayon kay Capoy, sa tulong ng car rental company na ibinigay sa mga awtoridad, natunton at nasakote ang mga suspek sa Pasay City sa pamamagitan ng Glo­bal Positioning System (GPS) footage recorder ng behikulo.

Ang mga suspect ay gumamit din umano ng pickup truck na Toyota Hilux na inabandona sa Sariaya, Quezon bago nadakip sa lungsod ng Pasay.

PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with