^

Probinsiya

Biktima ng salvage itinapon sa Cavite

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isa na namang hinihinalang biktima ng summary exe­cution ang natagpuan sa madamong bahagi ng Brgy. Tres ­Cruses, bayan ng ­Tanza, rito kamakalawa.

Hindi pa nakikilala ng pulisya ang biktima na tinatayang nasa edad na 30-35 anyos, may maayos na pa­ngangatawan, may taas na 5’4 at may tattoo sa kaliwang kamay. Nakasuot ito ng itim na T-shirt at itim na short.

Base sa ulat, alas-6 ng umaga ng Hunyo 29 nang matagpuan ng ilang naglalakad na residente ang biktima sa madamong bahagi ng lugar. Walang nakakakilala sa biktima na posibleng pinatay sa ibang lugar saka itinapon sa nasabing barangay.

Kasalukuyan nang nangangalap ng mga CCTV footage sa lugar ang pulisya at inaalam ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

TANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with