^

Metro

65 pamilya wagi sa In-City Vertical Housing Program sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumanggap ng mga bagong housing unit ang 65 pamilya sa Maynila sa ilalim ng In-City Vertical Housing Program ng pamahalaang lungsod sa turnover ceremony na pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Bulwagang Villegas, Manila City Hall kahapon.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga benepisyaryo ng ligtas, maayos at abot-kayang pabahay.

Sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 40 ang mga empleyado ng Manila Health Department at mga ospital na pinatatakbo ng lungsod, habang ang 25 ay mga kwalipikadong walk-in applicants.

Kasama rin sa turnover ceremony sina Vice Mayor Chi Atienza, Manila Health Department OIC Director Dr. Grace Padilla, at Manila Urban Settlements Office Officer-in-Charge Ernesto Oliveros.

Pinayuhan ni Domagoso ang mga bagong may-ari ng bahay na panatilihin ang kalinisan, kaayusan at disiplina sa kanilang mga komunidad. Aniya, nakasalalay sa sama-samang responsibilidad ng mga residente ang pagpapanatiling maayos at ligtas ng kanilang bagong pamayanan.

Ililipat ang mga benepisyaryo sa San Lazaro Residences, Pedro Gil Residences at San Sebastian Residences. Ang bawat housing project ay may dalawang silid-tulugan at mga pangunahing pasilidad tulad ng health center, function room at 24-oras na security service upang matiyak ang ligtas at komportableng pamumuhay ng mga residente.

Tiniyak ni ­Domagoso na ipagpapatuloy at palalawakin ng pamahalaang lungsod ang In-City Vertical Housing Program bilang bahagi ng layunin nitong mabigyan ng disenteng, ligtas, at abot-kayang pabahay ang mas maraming Manileño, kasabay ng pagpapabuti ng kanilang kalidad ng pamumuhay.

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with