^

PSN Opinyon

Positibo at negatibong epekto ng online games

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi pa nangyari ang Tacloban school shooting na ikinasawi ng tatlong estudyante at pagkasugat ng marami ay hindi matutuklasan na ang isang 14-anyos na shooter ay adik sa bayolenteng online games na GoreBox. Kaya naman agad na kumilos ang Cybercrime Inves­tigation and Coordinating Center (CICC) at tinanggal na ang mobile at PC game na GoreBox sa Google Play Store na kung saan ay hindi na ito maaaring i-download sa buong Pilipinas.

Maging ang Department of Education (DepEd) ay nag­labas ng kautusan sa pagbabawal sa paggamit ng gadgets sa oras ng klase o instructional hours maliban na lamang kung para ito sa kanilang pag-aaral o kung may emergency.

Ang labis na paglalaro ng online games ay nagdudulot ng parehong benepisyo at panganib sa mga kabataan.Ang positibong epekto ay nakatutulong ang mga ito upang maibsan ang pagod at stress sa pag-aaral na pama­ma­gitan nito, nagkakaroon din sila ng pagkakataong maki­pag-ugnayan sa kanilang mga kaibigan, lalo na’t ito ay naging bahagi na ng modernong kultura ng kabataan sa buong bansa. Nahahasa ang strategic thinking, problem-solving skills, at teamwork sa paglalaro. Nagiging daan para maki­pagkaibigan ang mga mahiyain at makisalamuha sa kapwa.

Habang ang negatibong epekto kung hindi lilimitahan, humahantong ito sa adiksyon, pagbaba ng marka sa pa­aralan, at mga suliranin sa pisikal at emosyonal na kalusugan.

Kapag naging prayoridad na ang laro kaysa sa mga responsibilidad, naaantala ang pagtulog ng mga bata at nauuwi ito sa kawalan ng pokus sa klase, pagliban sa pag-aaral, at maging sa pagkawala ng interes sa ibang mga gawaing panlipunan sa loob ng bahay.

Ang kakulangan sa tulog at pagkatutok sa screen ay nagdudulot na kung saan ay nakararanas ang iba ng labis na pagiging agresibo o depression kapag hindi nakakapaglaro.

Ang susi ay disiplina at kailangan ng tamang gabay mula sa mga magulang at limitasyon sa oras upang makuha ang mga benepisyo habang iniiwasan ang mga panganib nito sa kabataan. Dapat ang isang kabataan ay marunong magbalanse sa kanyang oras dahil minsan ay nasasayang at hindi nagi­ging produktibo. Tandaan na maikli lang ang buhay at dapat gamitin ang ating oras sa makabuluhang bagay na makakatulong sa atin at sa pamilya.

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with