^

Probinsiya

High School student nagbantang mananaksak sa iskul

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

Kapag ‘di sinuspinde ang pasok

CAVITE, Philippines — Binulabog ng isang pananakot mula sa isang Facebook post ang Cavite City National High School matapos na isang estudyante ang nagbanta umanong mananaksak ng mga kapwa estudyante kapag hindi sinuspinde ng principal ang kanilang pasok sa klase, kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat ng pulisya, ala-1:30 ng hapon ng personal na magtungo sa himpilan ng pulisya sa Cavite City ang school principal na si Randy Salonga at ini-report ang pangyayari.

Sa pahayag ni Principal Salonga, alas-10:30 ng umaga ng Hunyo 28 ay pinuntahan siya ng isa nilang guro na si “Sir John” at sinabi na may natanggap siyang mensahe mula sa isang Facebook post sa pangalang “Agatha Pacho” at may nakasaad na -- “Sabihin mo sa principal kapag ‘di nya sinuspend bukas (ang klase) mananaksak ako”. 

Dahil dito, nangamba ang mga guro at agad ini-report sa pulisya.  

Posibleng namang dummy account ang ginamit ng nag-post upang manakot. 

Sa kasalukuyan, ang guro na nakatanggap ng mensahe ay nagkaroon umano ng anxiety na natakot nang magbigay ng karagdagang detalye. 

Isinailalim pansamantala sa Modular Distance Learning (MDL) ang mga mag-aaral at nagsagawa rin ng routine inspection ang awtoridad sa loob ng eskwelahan.

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with