^

PSN Palaro

Cone suportado ang NBA dream ni Sotto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaking kawalan si Kai Sotto sa lineup ng Gilas Pilipinas.

Hindi maglalaro si Sotto sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalaruin sa magkahiwalay na venue sa New Zealand at Australia sa susunod na buwan.

Ayon kay Cone, nakatutok ang 7-foot-3 cager sa pangarap nitong makapasok sa NBA.

Sasalang si Sotto sa Summer League na magsisimula sa Hulyo — parehong buwan ng FIBA World Cup qualifiers.

“Kai is working on his plan to go to the NBA,” ani Cone matapos ang open practice ng Gilas Pilipinas sa FilOil Arena sa San Juan City noong Lunes.

Walang balak si Cone na pigilan si Sotto sa pa-ngarap nitong makapag­laro sa NBA.

“We’re not gonna interfere with that as well,” ani Cone.

Kamakailan lamang ay ikinasal si Sotto sa aktres na si Rere Madrid.

Inihayag din ni Sotto sa kanyang social media account na magiging tatay na ito.

Alam ni Cone na ma-laking tulong si Sotto sa kampanya ng Gilas lalo na sa mga malalakas na tropa gaya ng New Zealand at Australia.

Nasa Gilas si Sotto nang talunin ng Pinoy squad ang New Zealand sa iskor na 93-89 sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers noong 2024 sa Mall of Asia Arena.

Nagtala si Sotto ng 19 puntos at 10 rebounds sa naturang panalo.

GILAS PILIPINAS

KAI SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with