Deal or no deal?
Saan kaya ang bagsak ni Gian Mamuyac?
May tatlong possible scenarios para sa 27-year-old na hotshot ng Rain or Shine matapos mag-expire ang contract niya this month.
Pwedeng contract extension sa RoS, pwedeng trade o pwedeng Japan B. League Division 2 kung saan meron daw offer.
Kung tatanungin mo si coach Yeng Guiao, ‘yung first two lang ang gusto niya pagpilian.
Dahil kung ma-retain nila si Mamuyac, walang mawawalang key player sa rotation niya kabilang of course si Adrian Nocum, Jhonard Clarito, Andrei Caracut at Caelan Tiongson.
Dehins kasi star-studded team ang Rain or Shine. Bukod kay Beau Belga at Stanley Pringle na halos 40 years old na pareho, wala nang big names.
Pero dahil “buwis buhay” ang mga boys ni coach Yeng, palagi silang playoff contender.
At nakakapuwing.
Maliit lang daw ang pagitan ng offer ng team at ng gusto ni Mamuyac para sa contract extension kaya hoping si coach na magkasundo sila.
Or else, magandang trade na lang sana. Meron daw offer pero dehins ganun kaganda considering na alas sa team ang mawawala sa kanila.
“Not interesting,” sabi ni coach.
In short, no deal.
- Latest





















