^

Probinsiya

Irrigation project sa Bohol, binuksan ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng Mabini-Caycay Small Reservoid Irrigation Project sa Barangay Abac, Mabini, Bohol.

Ang nasabing irrigation facility ay pinondohan ng P833.37 milyon at inaasahang magbibigay ng suplay ng tubig sa buong taon sa mga sakahan sa mga bayan ng Mabini at Alicia na pinakikinabangan ng mga magsasaka.

Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na sa pamamagitan ng proyekto ay maaasahan na ang sapat na suplay ng tubig na magdudulot ng mataas na ani ng mga magsasaka at tiyak din na ­suplay ng pagkain. Ang nasabing proyekto ay sa pakikipagtulungan ng National Irrigation Administration (NIA) para maisulong ang agrikultura sa Bohol.

Giit ni Pangulong Marcos na mababawasan na ang pangamba ng mga magsasaka sa epekto ng El Niño dahil may maaasahan ng pagkukunan ng tubig para sa kanilang mga pananim.

Matutuloy rin aniya ang pagpapatayo ng mga proyekto ng patubig sa buong lalawigan para mapakinabangan ng mga magsassaka at para mapalago ang kanilang mga ani.

MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with