Gilas lalarga na pa-Auckland

MANILA, Philippines — Tutulak na patungong Auckland, New Zealand ang Gilas Pilipinas ngayong araw para sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Bago umalis, dumaan muna sa open practice ang Gilas Pilipinas kahapon sa FilOil Arena sa San Juan City upang mabigyan ng pagkakataon ang mga fans na mapanood ang team.
Maagang aalis ang Gilas Pilipinas para doon maipagpatuloy ang training camp sa Auckland dahil iba ang klima doon.
Unang makakalaban ng Gilas ang New Zealand sa July 3 at ang Australia sa July 6.
Pagdating sa Auckland, nakatakdang sumalang ang Gilas Pilipinas sa dalawang tuneup games kontra sa NBL teams.
Magandang pagkakataon ang tuneup games upang mas lalo pang mahasa ang tropa.
Isa rin sa tinututukan ang chemistry dahil may players ang wala sa lineup kabilang na sina Kai Sotto at Quentin Millora-Brown.
Ginulat ni Sotto ang mundo nang ihayag nito na magiging tatay na ito.
Sa isang post sa social media, ibinahagi ng Gilas Pilipinas standout ang panibagong milestone sa kanyang buhay.
“We’re having a baby,” ani Sotto.
Kamakailan lamang ay ikinasal ito kay Rere Madrid sa isang intimate na seremonya sa Cavite.
Ang pamilya nito at ilang malalapit na kaibigan lamang ang dumating sa kasal.
“For a while, we’ve been living in our own little world. Holding onto a secret that made every day feel like an adventure,” ani Sotto. “Every moment, every plan, every quiet smile. It was all for you. And now, we finally get to share it.
“Our greatest adventure is just beginning, and you’re already the best part of it,” dagdag pa ni Sotto.
Nagpahula pa si Sotto kung babae o lalaki ang magiging panganay nito.
“Now team GIRLS or team BOY.”
- Latest





















