^

Metro

Binata inutas sa harap ng bahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Binata inutas sa harap ng bahay
Dead-on-arrival sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang biktimang si alyas “Malinao,” 29, binata, at residente sa Area 6B, Brgy., Holy Spirit, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang 29-anyos na lalaki nang barilin ng  hindi pa tukoy na gunman sa harap ng kanilang bahay, sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Dead-on-arrival sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang biktimang si alyas “Malinao,” 29, binata, at residente sa Area 6B, Brgy., Holy Spirit, Quezon City.

Sa ulat ng Holy Spirit Police Station (PS-14) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-7:15 ng gabi ng ­Hunyo 20, nang maganap ang pamamaril sa harap ng bahay ng biktima sa Area 6B Nawasa Lane, Brgy., Holy Spirit.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Prince Joy Rivera, kalalabas pa lang ng bahay ng biktima nang makarinig ng apat na putok ang kanyang kapatid na si alyas “Elmer,” 33.

Lumabas din si Elmer at laking gulat na ang kapatid ay nakahandusay at duguan ang iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na dinala sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation, backtracking sa mga CCTV video footage sa lugar para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman at maaresto at malaman ang motibo sa pamamaslang.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with