Samedy binuhat US spikers sa panalo sa Italy
MANILA, Philippines — Sinandalan ng USA ang matikas na opensa ni Stephanie Samedy upang payukuin ang defending champion Italy, 27-25, 25-20, 25-16, sa Philippine Leg ng Volleyball Nations League (VNL) women’s week 2 kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Determinado ang opposite spiker na akbayan ang USA kaya naman pinalo nito ang 12 attack points upang tulungan ang koponan na ikahon ang pangatlong sunod na panalo.
Ipinaramdam agad ni Samedy ang kanyang lakas sa unang set, nahawakan nila ang apat na puntos na bentahe, 17-13, pero nnakatabla ang World No. 1 Italy sa 24-24.
Mabuti na lamang at naging matatap ang una at naitakas ang panalo.
Matapos sikwatin ang panalo sa unang dalawang sets ay lalong ginanahan ang US sqaud sa third frame at magaan nilang nakuha ang panalo para ilista ang 6-1 karta sa event na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio.
Bumira si Madison Kubic Banks ng 11 points mula sa 10 kills at isang block para sa USA na sunod na makakalaban ang Serbia ngayong alas-12 ng tanghali.
Nag-ambag din sa opensa para sa US sina Asjia O’Neal at Molly McCage na tumipa ng tig-siyam na puntos, habang walo, galing lahat sa spikes, ang inambag ni outside hitter Simone Lee Wank sa premier annual international competition ng FIVB.
Umiskor naman si Merit Chinenyenwa Adigwe ng 13 markers para sa Italy na na may 5-2 record.
- Latest
















