^

Metro

Walang ICC warrant vs Bong Go - NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala pang natatanggap na official communication ang National Bureau of Investigation (NBI) para sa warrant of arrest ni Senador Christopher “Bong” Go at dalawang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), ayon kay NBI Director Melvin Matibag nitong Huwebes.

“Wala pa po. Wala po kaming nare-receive pa. Walang communication ng warrant. Hindi ko po alam kung saan nang-galing si Congressman Pulong Duterte kung anong warrant po sinasabi niya,” ani Matibag.

Sagot ito ni Matibag sa naging pahayag ni Davao City Congressman Paolo “Pulong” Duterte na meron siyang nakuhang impormasyon mula sa isang “highly reliable source” na may inisyu nang warrants of arrest laban sa tatlo.

Samantala, inihayag din ni Matibag na may mas maasahan nang leads ang kanilang tinatrabaho para mada­kip si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, bagamat inamin niya na med­yo mahirap ang operasyon sa pagdakip dahil sa pagiging dating PNP chief na may malawak na network.

Aniya, matutunton din si Dela Rosa sa paniniwalang hindi ito lumabas ng bansa dahil mas mabilis siyang madarakip kung lalabas ng Pilipinas dahil ICC ang nag-isyu ng warrant of arrest.

Sinabi naman ni Go, ipinagpapasa Diyos na lamang niya ang lahat. Aniya, buong buhay  niya ay wala siyang nilabag na anumang batas ng tao o batas ng Diyos.

“Police matters have never been part of my mandate. I hope and pray na hindi mapupulitika ang issue hinggil sa sinasabing ICC warrant daw laban sa akin,” dagdag pa ng senador.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with