Death toll sa Mindanao: 78 katao
MANILA, Philippines — Umaabot na sa 78 katao ang naitalang death toll habang nasa 1.4 milyon namang residente ang apektado sa pagtama ng 7.8 magnitude na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao Region , ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Huwebes.
Sinabi ni Diego Mariano Agustin, Deputy Spokesperson ng OCD, ang operational center ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), sampu pang bangkay ang nadagdag sa talaan ng mga nasawi mula sa Davao Occidental. Kabilang dito ay 7 pang narekober at tatlong dating napabilang sa mga nawawala.
Ayon kay Agustin, sa Region XI (Davao Region) ay 21 ang naitalang nasawi kabilang dito ang 20 katao sa Davao Occidental at isa naman mula sa Davao del Sur. Sa Region 12 (SOCCSKARGEN) ay 57 ang nasawi, 33 rito ay mula sa Sarangani at 24 naman sa South Cotabato.
Naitala naman sa 1,339 katao ang nasugatan at nasa 30 pa ang nawawala matapos ang delubyo sa pananalasa ng 7.8 magnitude ng lindol noong nakalipas na Hunyo 8 ng umaga.
- Latest

















