Policewoman, kasabwat arestado sa shabu ops
COTABATO CITY, Philippines —Isang babaeng pulis at kasamang lalaki ang inaresto ng mga anti-narcotics agents sa buys-bust operation sa Koronadal City, South Cotabato nitong Martes.
Ayon sa mga local executives sa Koronadal City at mga miyembro ng city peace and order council reporters kahapon na kapwa nakakulong na ang mga nadakip na suspek na kinilalang sina Cpl. JL Jane Jance, 35-anyos at Harry Braña, sa isang police detention facility sa Koronadal City.
Sinabi naman ng Koronadal City Police at Police Regional Office 12 sa mga mamamahayag na ang nasabing policewoman at kasamang lalaki ay agad dinakma ng mga pulis na nagpanggap na mga adik ng droga nang sila ay mabentahan ng mga suspek ng limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000, sa buy-bust operation sa Purok Pagkakaisa, Brgy. San Isidro, Koronadal City nitong Martes ng hapon.
Sina Jance at Braña na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ay nalambat sa tulong mga mga residente na nag-tip sa kanilang aktibidad sa pagkakalat ng ilegal na droga.
Nagpasalamat naman si South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr., chairperson ng Regional Peace and Order Council 12, sa mga tipsters na nagbigay ng impormasyon sa mga opisyal ng Koronadal City Police sa illegal activities nina Jance and Braña sanhi ng kanilang pagkakaaresto.
- Latest





















