^

PM Sports

Messi kasama na sa World Cup history

Pang-masa

KANSAS CITY, United States — Inilista ni football superstar Lionel Messi ang kanyang pangalan sa World Cup history bilang joint all-time leading goalscorer ng torneo.

Isang hat-trick ang sinipa ng 38-anyos na Argentina team captain sa 3-0 dominasyon ng mga South Americans laban sa Algeria dito kahapon.

Ang nasabing hat-trick ni Messi — kauna-unahan niya sa World Cup — ang nagtabla sa kanya kay Miros­lav Klose ng Germany bilang top scorer sa itinala niyang 16 goals sa World Cup history.

Tinatawag na hat-trick kapag umiskor ang isang player ng tatlong goals sa iisang laro.

Nasa ikatlong puwesto si Brazilian great Ronaldo na may 15 goals kasunod sina Gerd Muller at France star Kylian Mbappe na may tig-14 goals.

Hangad ni Messi at ng Argentina na maging unang koponan matapos ang Brazil noong 1962 na nagwagi ng back-to-back World Cup titles.

LIONEL MESSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with