^

PSN Palaro

Obiena naka-pilak sa Germany

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Obiena naka-pilak sa Germany
EJ Obiena

MANILA, Philippines — Mainit na sinimulan ni two-time Olympian EJ Obiena ang indoor season matapos makasiguro ng pilak na medalya sa Eurowings Flight Circus sa Dusseldorf, Germany.

Naitarak ni Obiena ang 5.74m sa kanyang ikalawang pagtatangka para masiguro ang silver medal sa naturang torneo.

“5.74m for 2nd place here in Dusseldorf to start the 2026 outdoor season. Battled through some swir­ling winds but overall happy with how it all went,” ani Obiena sa kanyang post sa social media.

Nakuha ni Chris Nilsen ng Amerika ang gintong medalya bunsod ng impresibong 5.83m na nilundag nito.

Sinubukan ni Obiena na makuha ang 5.83m.

Subalit nabigo ito sa kanyang dalawang beses na pagtatangka.

Sa kanyang final attempt, inilatag ni Obiena ang 5.90m.

Pero hindi pa rin nito nakuha ang naturang marka dahilan para magkasya lamang ito sa pilak na medalya.

Pumangatlo naman si Seifeldin Abdelsalam ng Qatar na naglista ng 5.65m.

Sunod na sasalang si Obiena sa Doha Leg ng Diamond League sa Hun­yo 19 na idaraos sa Qatar.

“Next stop Doha, Qatar on June 19 for the first leg of the Diamond League season. Para sa bayan,” ani Obiena.

Nagpasalamat din si Obiena sa mainit na suportang natanggap nito mula sa mga Pinoy fans sa Dusseldorf.

“What a surprise to have Filipinos screaming in the crowd. Maraming maraming salamat po sa pagsubaybay,” wika pa ni Obiena.

Pinaghahandaan ni Obiena ang pagdepensa nito sa kanyang korona sa 2026 Asian Games na idaraos sa Nagoya, Japan sa Seytembre.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with