^

PSN Palaro

PBA crown itatagay ng Gin Kings

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA crown itatagay ng Gin Kings
Muling magtutuos sina Barangay Ginebra import Justin Brownlee at Chris McCullough ng TNT Tropang 5G sa Game 6 ng PBA Finals.
PBA Image

MANILA, Philippines — Wala nang ibang nasa isip ang Barangay Ginebra kundi ang tuluyan nang sibakin ang nagdedepensang TNT Tropang 5G para makopo ang Season 50 PBA Commissioner’s Cup.

Bitbit ang 3-2 bentahe sa best-of-seven cham­pionship series, lalabanan ng Gin Kings ang Tropang 5G ngayong alas-7:30 ng gabi sa Game Six ng PBA Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpasabog si Best Import Justin Brownlee ng career-high 54 points bukod sa 14 rebounds sa 100-95 overtime win ng Ginebra sa TNT sa Game Five noong Biyernes para dumikit sa ika-16 korona.

Sinabi ni Gin Kings coach Tim Cone na hindi puwedeng mag-isang buhatin ng 38-anyos na si Brownlee ang koponan na siyang naging estratehiya ng Tropang 5G.

“The way they are defending us, they’re putting pressure on Justin to win games by himself,” sabi ng 25-time PBA champion mentor sa ginawa ng TNT kay Brownlee.

Dahil dito, kaila­ngang mag-ambag sa pro­duk­syon ng Ginebra sina Best Player of the Conference RJ Abarrientos, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Stephen Holt at Troy Rosario.

Sakaling manalo ang Tropang 5G ay itatakda ang kanilang Game Seven ng Gin Kings sa Miyerkules.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with