76-anyos lola hulog sa ilog, patay
June 13, 2026 | 12:00am
CAVITE , Philippines — Patay ang isang 76-anyos na lola makaraang aksidente umanong nahulog sa ilog, kamakalawa sa Brgy. Malabanan, Balete, Batangas.
Sa ulat ng pulisya, alas-8:30 ng umaga nang madiskubre sa ilog ang wala nang buhay na biktima na kinilala sa alyas “Elvira”, residente ng Brgy. Poblacion 4, GMA, Cavite.
Sa imbestigasyon, malamang umanong sa paglalakad-lakad ng matanda ay aksidenteng natumba at tuluyang mahulog sa ilog.
Tumanggi na ang pamilya ng nasawi na isailalim pa sa awtopsiya ang bangkay nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















