Vietnam binawian ng Kazakhstan

CANDON CITY, Ilocos Sur , Philippines — Ipinalasap ng Kazakhstan ang unang kabiguan sa defending champion Vietnam sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup, matapos ilista ang 18-25, 25-19, 23-25, 25-22, 15-13 panalo kahapon na nilaro sa Candon City Arena dito.
Uupuan ng Kazakshtan ang top seeding sa Pool B papasok sa semifinals matapos irehistro ang malinis na 5-0 karta habang nasa pangalawang puwesto ang Vietnam na tangan ang 4-1 record.
Nagpasiklab ang 27- anyos na si Kristina Belova sa opensa matapos nitong irehistro ang 21 points mula sa 19 attacks at dalawang blocks para sa Kazakhstan na tinuldukan ang 23-game winning streak ng Vietnam kasama ang huling tatlong editions.
Nagtala rin si Zhanna Syroyeshkina ng 21 puntos kasama ang 15 kills at anim na service aces habang 20 ang inambag ni Tatyana Yatskiv para sa Kazakhstan sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, FIVB, Volleyball World, AVC, POC at ng City of Candon sa pamumuno ni Mayor Eric D. Singson.
Naghabol ng dalawang puntos ang Kazakhstan, 7-9 sa fifth set pero umiskor sila ng apat na sunod sa pangunguna ni Belova upang maagaw ang bentahe, 11-9 sa Vietnam.
Dahil sa panalo, naka- resbak ang Kazakhstan sa Vietnam, natalo ang una sa huli sa nakaraang taong semifinals at sa 2024 final.
- Latest


















