TNVS driver hinoldap at tinodas ng pasahero

MANILA, Philippines — Isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver ang patay makaraang holdapin at barilin ng kanyang pasahero kamakalawa ng madaling araw sa Bagong Silang, Caloocan City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Erick Robert Songco, 37, ng Merry Homes Subdivision, Caloocan City.
Agad namang nadakip sa follow up operation ng mga tauhan ng Caloocan City Police Sub Station 12 sa San Jose del Monte, Bulacan ang suspek na si alyas “Renan” 32.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, isinakay ng biktima ang suspek nang sa kalagitnaan ng biyahe ay nagdeklara ng holdap ang huli.
Makikita rin sa video na nakikiusap ang biktima sa suspek na huwag siyag patayin hanggang sa humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Matapos ito ay agad na tumakas ang suspek.
Kinondena naman ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Benliner Capili ang ginawang pamamaslang sa TNVS driver kasabay ng kautusan ng pagpapa-igting ng police visibility at check points.
Nahaharap sa kasong murder ang suspek.
- Latest



















