Pagbubukas ng klase, generally peaceful - PNP
MANILA, Philippines — Itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful ang pagbubukas ng klase sa buong bansa kahapon.
Ayon sa PNP Public Information Office Acting Chief, PCol. Allen Rae Co, wala silang naitalang anumang untoward incident sa mga paaralan sa buong maghapon.
Aniya, aabot sa 230,575 ang nakakalat na mga tauhan mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang tumugon sa mga tanong at emergency cases.
Mahigit 58,000 rito ayon kay Co, ay mula sa PNP kabilang na ang kanilang mobile patrol units at deployed foot patrol.
Katuwang nila rito ang nasa mahigit 8,000 mula sa ibang PNP unit at mahigit 162,000 na force multipliers.
Kaugnay nito, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMGen. Anthony Aberin, tuloy pa rin ang kanilang monitoring sa mga paaralan kung saan paiigtingin ang police visibility.
- Latest




















