^

PM Sports

Eala kampeon sa Birmingham

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Eala kampeon sa Birmingham
Si Alex Eala sa kanyang laban kontra Mananchaya Sawang­kaew ng Thailand sa quarterfinals ng Bir­mingham Open.
Alex Eala/IG photo

MANILA, Philippines — Hinataw ni Alex Eala ang kanyang ikalawang korona matapos ang dikdikang 5-7, 6-3, 7-5 panalo kontra kay Nikola Bartunkova ng Czechia sa WTA125 Lexus Birmingham Open finals kahapon sa Edgbaston Priory Club sa England.

Pinagpag ni Eala ang maalat na simula nang angkinin ang huling 2 sets tungo sa pagduplika ng kanyang kauna-unahang titulo sa Guadalajara Open noong nakaraang Set­yembre sa Mexico para sa panibagong kabanata ng kanyang papasibol na karera sa edad na 21-anyos pa lamang.

Ito ang unang panalo ni Eala kontra sa mga manlalaro ng Czech matapos ang 0-13 kartada kabilang na ang 6-0, 6-2 kabiguan kontra kay world No. 10 Karolina Muchova ng Czechia sa Round of 16 ng 2026 Miami Open nitong nakaraang Marso sa Amerika. ‘

Matamis na bawi ni Eala ang kampeonato sa grass courts ng England matapos ang masaklap na kampanya sa clay tampok ang third-round appea­rance sa Italian Open bilang natatanging magandang salang niya.

Subalit hindi ito na­ging madali nang maging maalat ang naging simula ng Pinay star matapos lustayin ang 5-4 abante sa 1st set.

Isinuko ni Eala ang hu­ling 3 laro upang mahulog sa 0-1 set deficit bago ibalik ang pabor kay Bartunkova sa 2nd set sakay ng 4-1 ratsada mula sa 2-2 tabla.

At dito na naging lalong pitpitan ang duwelo nang magpalitan ng suntok ang 2 rising stars na umabot sa tiebreaker kung saan nakaeskapo si Eala mula sa ilang deuces tampok ang panapos na serve sa 12th game.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with