^

PM Sports

EJ may silver sa Dusseldorf

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumana si ace pole vaulter EJ Obiena ng pilak na medalya sa Euro­wings Flight Circus sa Dusseldorf, Germany para magarbong simulan ang indoor season.

Nairehistro ni Obiena ang 5.74m sa kanyang ikalawang pagtatangka para masiguro ang silver medal sa naturang torneo.

“5.74m for 2nd place here in Dusseldorf to start the 2026 outdoor season. Battled through some swirling winds but overall happy with how it all went,” ani Obiena sa kanyang post sa social media.

Nakuha ni Chris Nilsen ng Amerika ang gintong medalya bunsod ng impresibong 5.83m na nilundag nito.

Sinubukan ni Obiena na makuha ang 5.83m.

Subalit nabigo ito sa kanyang dalawang beses na pagtatangka.

Sa kaniyang final attempt, inilatag ni Obiena ang 5.90m.

Pero hindi pa rin nito nakuha ang naturnag marka dahilan para magkasya lamang ito sa pilak na medalya.

Pumangatlo naman si Seifeldin Abdelsalam ng Qatar na naglista ng 5.65m.

Sunod na sasalang si Obiena sa Doha Leg ng Diamond League sa Hun­yo 19 na idaraos sa Qatar.

“Next stop Doha, Qatar on June 19 for the first leg of the Diamond League season. Para sa bayan,” ani Obiena.

Nagpasalamat din si Obiena sa mainit na suportang natanggap nito mula sa mga Pinoy fans sa Dusseldorf.

“What a surprise to have Filipinos screaming in the crowd. Maraming maraming salamat po sa pagsubaybay,” wika pa ni Obiena.

Pinaghahandaan ni Obiena ang pagdepensa nito sa kanyang korona sa 2026 Asian Games na idaraos sa Nagoya, Japan sa Seytembre.

EJ OBIENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with