^

PSN Palaro

Eala reyna ng Birmingham

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Eala reyna ng Birmingham
Alex Eala
Alex Eala/IG photo

MANILA, Philippines — Pinadapa ni Pinay tennis sensation Alex Eala ang kanyang doubles partner na si Nikola Bartunkova ng Czech Republic, 5-7, 6-3, 7-5, sa finals para pagreynahan ang WTA 125 Lexus Birmingham Open kahapon.

Ito ang kauna-unahang panalo ng 21-anyos na si Eala sa kanyang kampanya sa grass court at ikalawa sa WTA 125 tournament matapos manalo sa WTA 125 Guadalajara noong Setyembre ng 2025.

Muling ipinakita ni Eala, ang World No. 37, ang kanyang tapang matapos bumangon mula sa 5-7 kabiguan sa No. 69 na si Bartunkova sa first set para makatabla sa second set, 6-3.

Naging maigting ang bakbakan nina Eala at Bartunkova sa third set kung saan nakatabla ang Czech sa 5-5.

Tuluyan nang inangkin ni Eala ang sumunod na dalawang laro para angkinin ang korona sa loob ng dalawang oras at 37 minuto nilang hatawan ni Bartunkova.

Dinaig muna ni Eala si No. 132 Rebeka Masarova ng Switzerland, 6-2, 4-6, 6-3, sa semis para makapasok sa finals ng torneo.

Sumampa si Eala sa semis matapos ang 6-3, 6-2, demolisyon kay No. 173 at Southeast Asian rival Mananchaya Sa­wangkaew ng Thailand sa quarterfinals.

Nauna nang tinalo ni Eala si Priscilla Hon ng Australia, 6-0, 6-2, sa first round at si Alina Charaeva ng Russia, 6-2, 7-5, sa second round papasok sa quarterfinals.

Samantala, kaagad sasalang si Eala sa main draw ng Queen’s Club Championships sa London.

Nakatakdang magsi­mula ang torneo bukas at magtatapos sa Hunyo 14.

Maglalaro si Eala, ang World No. 37 ranked player, sa Queen’s Club event bilang isang qualifier sa main draw kasama si Czech veteran Karolina Pliskova.

Sina Eala at Pliskova ang naging kapalit ng mga umatras na sina Jessica Pegula at Hailey Baptiste dahil sa kanilang injury.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with