^

Metro

Mendiola bantay-sarado sa Araw ng Kalayaan – MPD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Manila Police District (MPD) na handa silang magbantay at magbigay ng seguridad sa Mendiola sa Biyernes, kasabay nang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa bansa.

Kaugnay nito, perso­nal na ring ininspeksyon ni MPD Director PBGen. Arnold Santiago ang Mendiola kahit ilang araw pa bago ang pagdiriwang ng Independence Day sa Hunyo 12, para sa isinasagawa nilang preparas­yon, sakaling magdaos ng mga kilos-protesta ang ilang grupo sa nasabing lugar.

Ayon kay Santiago, nais niyang masiguro na protektado ang sangay ng ehekutibo ng pamahalaan, partikular na si Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang sa ininspeksyon ng MPD chief ay ang mga pangunahing kalsada, mga gate, papasok, at palabas ng Palasyo ng Malacañang.

Siniguro rin naman ni Santiago na may sapat silang mga tauhan upang magbantay sa Malacañang at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod ng Maynila, sa Araw ng Kasarinlan sa bansa.

MENDIOLA

MPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with