^

Probinsiya

Catanduanes governor kinasuhan ng cyber libel

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Catanduanes governor kinasuhan ng cyber libel
File photo showing a man typing at a keyboard.
STAR / File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nahaharap sa kasong cyber libel si Catanduanes Gov. Patrick Alain Azanza matapos ireklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office ng pangulo at kinatawan ng Powerzone Petroluem Products Corporation dahil sa malisyoso umanong posts sa Facebook ng lokal na ehekutibo laban sa kanilang kumpanya at pinalalabas na sila ang dahilan sa mataas na presyo ng kuryente sa lalawigan.

Sa posts ni Gov. Azanza noong Hulyo 25, 2025 inakusahan umano nito ang Powerzone na nagsu-supply ng petrolyo sa Suweco (Sunwest Water and Electric Co.) dahilan ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa buong lalawigan.

Ang Powerzone ay pag-aari umano ng pamilya ng kanyang katunggali sa pulitika sa lalawigan.

“Bakit sobrang mahal ang singil ng kuryente sa Catanduanes eh mababa na ang presyo ng gasoline?..Tinanong ko ang Suweco representative noong public hearing kung sino ang supplier ng kanilang gasoline at inaamin niya na Unioil ngunit dumadaan sila sa Powerzone.

“...hindi ba conflict of interest na matatawag na iyong kayo ang naka-upong gobernador at bise gobernador sa panahong iyon, at pamilya rin pala nila ang may supply ng gasolina sa Suweco...” ani Gov. Azanza na ipinoste sa socia media.

Dahil dito, sinampahan ng kasong cyber libel ang gobernador ng pangulo at kinatawan ng Powerzone na si Jeric Cua.

Ipinunto ni Jeric Cua, anak ng dating gobernador na ang Powerzone ay nagsisilbi lang na storage at distribution logistics ng petroleum products ng Unioil Petroleum Philippines Inc. sa loob ng lalawigan.

PATRICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with