Nagpanggap na pulis driver arestado sa extortion
MANILA, Philippines — Arestado ang 41-anyos na driver na nagpanggap na pulis sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group-Southern District Field Unit sa Brgy. Tambo, Parañaque City.
Ang suspek na si alyas “Anthony”, ng Kusang Loob St., Sta. Cruz, Maynila ay isinailalim sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa Article 293 Robbery (Extortion) at Art. 177 (Usurpation of Authority) ng Revised Penal Code, kaugnay sa RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ng biktimang si Yian Hong Kho, ng San Lorenzo, Makati City.
Sa ulat ng CIDG-SDFU, dakong alas-4:00 ng hapon nitong Miyerkules nang isagawa ang entrapment laban sa suspek sa Open Parking ng Aseana sa ilalim ng OPLAN-OLEA (Other Law Enforcement Activities).
Huli sa akto ang suspek na tinanggap ang paper bag na naglalaman ng P600,000 mula sa isang nagpanggap na Lalamove rider. Agad na pinosasan ang suspek at kinumpiska ang isang Mio Soul I motorcycle, Solaire parking ticket, cellphone, 2 pahinang police report, 3 identification cards ng suspek.
- Latest





















