^

Metro

Remulla binatikos sa paghatol kay Romualdez sa flood control mess

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ng isang abogado si Ombudsman Crispin Remulla dahil sa umano’y paghatol nito  kay dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects.

Sa isang interview ng DzMM, sinabi ni Atty. Antonio Zoleta Bucoy, paulit ulit na idinadawit ang dating House Speaker bilang mastermind sa flood control scam ng walang preliminary investigation at walang ipinapakitang ebidensya. “Iisa ho ang nagpapalutang d’yan eh, si Ombudsman Remulla na mula’t sapul ay binansagan na niya si Speaker Romualdez na mastermind,” ani Bucoy.

Giit ng abogado walang basehan ang alegasyon ng Ombudsman dahil wala naman ginawang preliminary invetigation. Giit ni Bucoy si Remulla ay dapat nakabase sa evaluation ng reklamo at sa sagot ng mga inaakusahan, subalit sa kanyang pagkakaalam ay hindi pa umaabot ang proseso sa ganitong estado.

Base rin aniya sa Supreme Court (SC) decision, ang statement of conclusion ay dapat nakabase sa ebidensya at patas na proseso ng imbestigasyon. Kinuwestyon ni Bucoy ang motibo ni Remulla dahil sa pagdadawit kay Romualdez na ito ang mastermind sa nasabing kontrobersiya na isang drama na ang prejudgment ng Ombudsman at pagkiling.

CRISPIN REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with