^

Police Metro

Senado, umayos kayo! - Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Umayos at magtrabaho para sa taongbayan.”

Ito ang inihayag kahapon ng Malacañang kasunod ng mga kaganapan kung saan nagtulakan umano sina Senador Robin Padilla at Department of Interior and Local Go­vernment Secretary Jonvic Remulla sa loob ng Senado nang pumasok ang 18 ­dating miyembro ng Philippine Marines.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi pinapayagan ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ganitong kaganapan kaya dapat na umayos ang mga senador.

Hindi inalis ng Palasyo na posibleng maapektuhan ang mga programa ng gobyerno na nais ilatag ng Pangulo sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), subalit hindi ito makikialam sa mga nangyayari sa Senado.

“Ito ay problema na ng Senado so dapat talaga umaksiyon kung sino ang dapat na authority na umaksiyon sa Senado,” ani Castro.

Aniya, sa nga­yon ang kinikilala ng Malacañang ay ang pamumuno ni acting Senate President Win Gatchalian.

MALACAñANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with